haha... after 2 years nag post ulit ako... *cheers* haha ang bilis ng panahon... well marami pala bumibwisit d2 sa blog ko... sori sa mga taong na didisapoint sa mga nababasa nila... haha peace... mag popost na ako ulit dito... pero di ngayun.... un lang muna... mabuhay ang pilipinas... mabuhay ang eraserheads... mamatay na mga cueshe TAE KAYO!!!!
» posted by ralph : 9:45 AM
| |
»
Wednesday, April 07, 2004
ay kay boring
ang inet! ang boring! walang magawa! at na isipan kong pumunta ng RFC para bumili ng Jambo Sprite (adik ako sa sprite) nag lakad ako mula sa amin hangang sa RFC (pinaka malaking sari-sari store sa las-piñas). naglakad ako habang tirik na tirik ang araw pero ok lang summer naman eh.
pauwi na ako naisipan kong mag tri-cycle, inde ako marunung umuwi, totoo un, pinaglalaruan kasi ako ng mga engkanto pag uuwi ako nililigaw ako... marami kasing engkanto dito sa las-piñas, malayo kasi sa sibilisasyon itong las-piñas, puro bukid, palayan, taniman ng mariwana, at mga ignoranteng tao meron dito... pero kahit ganun inde kami squater sa sariling bayan...
sawakas naka balik na ako samin, kinabahan ako doon, akala ko inde na ako makakabalik... gutom na gutom na ako, hmmm sarap pala ng pagkain ko, 2pcs BBQ, at isang bicol express, aba may extra rice pa naka plastic... ayus... malungkot nga alang ako lang mag isa kakain, tanghali na kasi ako nagising, pero ayus lang solo ko naman lahat... nakakaasar lang eh may royal pala kami sa ref nasayang lang yung pera ko pambili ng Jambo sprite at yung pamasahe ko... pero ayus lang summer naman eh... kailangan maraming stock na softdrinks sa ref...
» posted by ralph : 2:13 PM
| |
»
Tuesday, April 06, 2004
buhay guinipig
hmmm... walang magawa eh at naisipan kong gumawa ng kalokohan na ito at napag isip isip ko masaya pala ang gumawa ng ganito, ewan ko kung ano tawag nila sa ganito basta may tawag dito... lalagay ko dito ung mga pictures na pinag kukuha ko araw araw ngaun bakasyon para inde sayang ung film ko... wala akong pake kung basahin mo ito o hinde...
daga, this is my guinipig, naalala ko ang sarili ko kapag nakikita ko ang pictures na ito, black en white ung buhay nya walang kasigla sigla at nag iisa.. at katulad nitong website na ito walang kabuhay buhay at parang patay...
paksyet ang boring pala nitong ginagawa ko!!! kala ko masaya mas boring pato kaysa matulog magdamag... ang boring talaga ng buhay ko, buti pa yung daga ko kahit nagiisa masaya, kasama nya yung mga imaginary friends nya... hay paksyet talaga walang masulat dito... ang boring talaga nito!!! cge inde ko napipilitin sarili ko next time nalang... tulog nalang ako... hay...
» posted by ralph : 5:36 PM
| |
» about me
name:
ralph rembrandt e
crisostomo birthdate: january 20
1986 location: las piñas
city
occupation: film maker | editor |
director music: rock, beatles, eheads, led zep,
deep purple status:
single school: mapua-makati